ang pag-aaral

Standard

napapagod ka na ba?

ako kasi, oo. inaamin ko, pagod na ako. pagod na ako gumising ng maaga, pagod na akong pumasa, pagod na akong bumagsak, pagod na akong pumasok sa skwela.

sabi ni Will, “Bibi pagod na ako, dalawang taon na tayong nag-aaral. Ayoko na!”
at napaisip ako. oo, dalawang taon na nga tayong nag-aaral.(dalawang taon na kasi kaming nag-eenroll sa summer). walang buwan na hindi natin dala ang ating bag, na laman ay mga papel, kuwaderno, panulat, at basura. minsan nadadagdagan ang bigat dahil sa aklat na hiniram sa main lib, minsan naman may dala-dala ring bluebook.

mula hunyo hanggang mayo, nandito pa rin tayo sa paaralan. araw-araw, parehong daan ang madadaanan, paulit-ulit na kainan ang makakainan, pabalik-balik sa parehong kubeta. hindi ka pa ba nagsasawa?

napaisip din ako, ang dalawang taon ay sa kolehiyo lamang. nagsimula ako mag-aral noong ako’y tatlong taon pa lamang. ako’y labinwalong taong gulang na, at kung susumahin ko na, ako’y nag-aaral na ng labinlimang taon. LABINLIMA! naging edad ko na yun! dagdagan mo pa ng dalawa o tatlong taon pa sa kolehiyo at halos labinwalong taon din akong nag-aaral. labinwalo! LABINWALO! kung hindi kaya ako nag-aral at nagtrabaho na lang sa labinwalong taon na iyon?

kung iisipin halos kalahati ng buhay natin sa loob ng silid aralan o kahit sa campus lang man. minsan mas madami pa ang oras na nasa silid tayo kaysa sa loob tayo ng bahay natin. mas nakakasama pa natin ang ating mga kaklase kaysa sa ating pamilya.

nakakapagod nga. araw-araw aral ng aral, kaharap mo ang guro, katabi mo kaklase mo, nakaupo ka sa silyang nasanay na sa amoy ng puwet mo. hindi ka pa ba nagsasawa?

ako pagod, oo pagod lang. pero hindi ako nagsasawa.

para sa akin ang paaralan (or pamantasan on my situation now), ay isang community, isa siyang ecosystem. may survival na nagaganap dito. meron ding iba’t ibang symbiotic relationships. may mutualism, at may parasitism din.

hindi ko ipagpapalit ang mga oras na ako’y nasa paaralan. ang paaralan nga ang ating pangalawang tahanan. ang guro ang ating pangalawang magulang, at ang ating mga kaklase, sila ang ating mga kapatid. sa paaralan ko natutunan ang mga bagay-bagay at iba’t-ibang pakikitungo sa kapwa na pwede kong i-apply sa paglaki ko. sa paaralan ko nakilala ang aking sarili, sa paaralan ko nakilala ang tunay na kaibigan. sa paaralan ko nakilala ang mga maasahan talaga. sa paaralan ko naunawan ng mabuti ang pagkakaiba ng bawat tao.

sa paaralan akong natuto, natuto ng leksiyon, natuto magbasketball, natutong maging mapagpaumanhin, natutong magmahal, natutong magpatawad, natutong magloko, natutong magbisiyo, natutong maging matungkulin.

sa paaralan ko natutunan ang mga ito. hindi man lahat ng natutunan ay mabuti, pero alam ko ang tama sa mali.

sa labinwalong taon ng buhay ko, labinlima doon ako’y nag-aaral na. hindi ko man mawari ganoon na pala ako katagal nag-aaral.

pagod na nga ako, pero masarap din ang balik nito sa akin sa huli. hindi ako nagsawa, nagsasawa, o magsasawa.

Advertisements

Tell me your thoughts

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s