Ready Set Go

Standard

Madilim ang gabi,
tila naayon sa aking pakana.
Ang mga tala’y nagtatago,
maulap ang himpapawid.
Tamang – tama lamang.
Hinding hindi matutuloy ang plano kapag may liwanag.
Tahol ng mga aso ang siyang ingay sa paligid.
Maya – maya ay paparating na ang aking pinkahihintay.
Aabangan ko na lang siya dito sa sulok.

Ayan, sakto.
Malamig ang hangin. Ito na nga ang gabi.
Galing opisina, kung kaya pagod siya.
Suot niya ang unipormeng nakakapatalon ng mga mata.
Maiksi at may butones, nakahigh heels pa.
Hindi na siya makakatakbo pa ng malayo.

Hindi siya magtataka na makita ako, magkapitbahay kami.

Hihilain ko siya palapit sa akin,
pero palaban siya, hindi siya basta basta magpapatalo.
Ngunit mas malakas ako, at hini na siya makakawala pa.
Ito na ang pagkakataon ko.
Bukas
Pasok
Hila
Putok.

Bala’y tagos sa ulo,
walang ibang ebidensiya
kundi dugo.
Tapos.

Advertisements

Tell me your thoughts

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s