Maps

Standard

Isang dangkal lamang

ang pagitan natin

kanina habang iniiyak

mo ang pamamaalam

patungong Amerika. Natandaan mo bang

isang dangkal din lamang

ang pagitan natin sa tuwing mag-aaral

tayong magkatabi sa Heograpiya at

Kasaysayan?

At sa tuwing ilalapat mo

ang mapa ay nararamdaman ko

ang pag-alon

ng iyong buhok patungo

sa dalampasigan

ng aking balikat. At sa tuwing

bibigkasin mo ang kabisera

ng mga bansa’y dumarampi

sa aking pisngi ang lamig

ng Amihang nagmumula

sa iyong bibig. Nilalamig ako

hanggang ngayon. Alam mo bang

nahihirapan ang aking harayang

abutin ka habang inilalapat

ko ang kamay sa mapa? Gaano

kaya kalawak

ang isang dangkal

na papagitan

sa ating dalawa?

—————————————————–

Advertisements

One response »

  1. ang lalim ng pinanghuhugutan. ramdam na ramdam naming mga mambabasa ang damdamin ng may-akda. nakakalungkot. mabigat. gusto ko yung paraan ng pagsasalarawan mo ng mga bagay bagay (mapa, isang dangkal na pagitan…etc.) malungkot. mabigat. at maganda. 🙂 😦

Tell me your thoughts

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s