Scraped

Standard

Tila hindi ko na

kayang isa isahin pa

(kahit gustuhin ko man)

ang mga sugat sa aking katawan.

Mula pagkabata, hanggang pagtanda

dinaanan na lahat ng galos, sugat, at pilat.

Mula paa, paitaas: tuhod, balikat, ulo

bawat isa may istorya, bawat isa may gustong ipahiwatig.

Bawat isa’y alaala, may wakas at may simula.

Masaklap, malungkot, o masaya.

Tell me your thoughts